Upang mabalikan ko ang aming kasiyahan, ilalagay ko ang mga litratong stolen at nakakatawa!


Isang makasaysayang pook na kung saan naganap ang Battle of Imus River sa pagitan ng mga Pilipino at ng Spanish colonial Government.
Ang pagpunta namin dito ay sobrang nakakatawa! Ang dahilan dito ay may mga vandal sa harap at gilid ng mga poste doon. Ngunit ang maksaysayang lugar ay nadumihan na ng mga tao doon marahil hindi nila alam o hindi sila aware sa mga nangyari doon. 
Dito inihanda at ginawa ang mga planong gagawin sa digmaan na nagaganap sa Pilipinas. Si General Pantaleon ang pinuno sa paghahanda dito.
Ito ay isang malaking parte ng kasaysayan dahil si Gen. Emilio Aguinaldo ay nagpautos upang makuha ang mga friars ngunit hindi na nila nakita dahil lumipat sa Estate House. 
Ang pagbisita rito ay naka-eexcite! Ang dahilan rito ay pagkatapos ng pook na ito ay malapit na kaming kumain ng tanghalian! Sa katunayan, ang pagpunta rito ay nakasasabik dahil sa sobrang laki ng simbahang ito.
Ito ay ipinagawa ni Baldomero Aguinaldo upang mabigyan ng tahanan ang kanyang pamilya kasama na rin dito si Presidente Emilio Aguinaldo.
Ang pagbisita namin dito ay nakamamangha dahil nakakita kami ng isang lumang piano na gumagana pa rin, kupas ngunit may tunog na naririnig. Nakakita rin ako ng mga pinaglibingan ng mahal sa buhay ni Baldomero.
Kilalang-kilala ng lahat ang pook na ito, dahil dito unang iwinagayway ang bandila ng Pilipinas nang kagilagilalas na si Presidente Emilio Aguinaldo. Dito na rin nagsimula ang independence of the Philippines from Spain na idineclare noong June 12, 1898.
Nagsimula ang aming paglalakbay sa Zapote Bridge. Ang Zapote Bridge ay isang makasaysayang pook na kung saan naglaban ang 3,000 Amerikanong sundalo at 5,000 Pilipino na pinamunuan ni Gen. Emilio Aguinaldo. Ngayon, ito ang nagsisilbing naghahati sa Las Pinas at Bacoor.
Ako'y nagulantang sa pook na ito marahil ay nahirapan lamang akong paniwalaan na ang istrukturang ito ay nakatayo pa rin, kahit na may "giyerang" nangyari dito.