Monday, 5 January 2015

Bloopers!

Ang masayang paglalakbay namin ay natapos rin. Ang paglalakbay sa Cavite ay napakasaya! Nakakita ako ng samutsaring bahagi ng ating kultura at kasaysayan.

Upang mabalikan ko ang aming kasiyahan, ilalagay ko ang mga litratong stolen at nakakatawa!









Isabel Bridge

Isang makasaysayang pook na kung saan naganap ang Battle of Imus River sa pagitan ng mga Pilipino at ng Spanish colonial Government.

Ang pagpunta namin dito ay sobrang nakakatawa! Ang dahilan dito ay may mga vandal sa harap at gilid ng mga poste doon. Ngunit ang maksaysayang lugar ay nadumihan na ng mga tao doon marahil hindi nila alam o hindi sila aware sa mga nangyari doon. 






General Pantaleon Garcia Camp

Dito inihanda at ginawa ang mga planong gagawin sa digmaan na nagaganap sa Pilipinas. Si General Pantaleon ang pinuno sa paghahanda dito.









Ang pagpunta namin dito ay nakakikilabot! Dahil anlaki noong lugar at kami ay parang preso ngunit nasa labas ng selda sa pagkalaki-laki g lugar na iyon ngunit nagenjoy ako ng onti dahil busog na busog na ako sa kinain ko sa KFC. 


 

Imus Cathedral

Ito ay isang malaking parte ng kasaysayan dahil si Gen. Emilio Aguinaldo ay nagpautos upang makuha ang mga friars ngunit hindi na nila nakita dahil lumipat sa Estate House



Ang pagbisita rito ay naka-eexcite! Ang dahilan rito ay pagkatapos ng pook na ito ay malapit na kaming kumain ng tanghalian! Sa katunayan, ang pagpunta rito ay nakasasabik dahil sa sobrang laki ng simbahang ito.



Baldomero Shrine

Ito ay ipinagawa ni Baldomero Aguinaldo upang mabigyan ng tahanan ang kanyang pamilya kasama na rin dito si Presidente Emilio Aguinaldo.


Ang pagbisita namin dito ay nakamamangha dahil nakakita kami ng isang lumang piano na gumagana pa rin, kupas ngunit may tunog na naririnig. Nakakita rin ako ng mga pinaglibingan ng mahal sa buhay ni Baldomero.





Aguinaldo Shrine

Kilalang-kilala ng lahat ang pook na ito, dahil dito unang iwinagayway ang bandila ng Pilipinas nang kagilagilalas na si Presidente Emilio Aguinaldo. Dito na rin nagsimula ang independence of the Philippines from Spain na idineclare noong June 12, 1898. 

Ito na siguro ang pinakamagandang napuntahan ko, dahil may mga secret passages ang bahay. Sobrang daming binigay na impormasiyon ang tour guide namin, at napakasaya niyang magsalita.

Parokya ng San Miguel Arkanghel

Ito ay kinilala bilang pinakamalaking simbahan sa Quezon. Sa Quezon, ang tawag nila sa simbahang ito ay "Susi ng Tayabas" dahil ito ay hugis susi.

Ang pagbunta namin dito ay sobrang nakakatawa dahil sobrang bait ng mga tao. Iniinterview namin sila at maayos silang sumagot.